kung pwede lang hindi na babangon
palagay ko ikaw ay sasang-ayon
pipiliin mo ding nakakumot maghapon
ngunit sana ikaw ay kapiling ko
hindi iyong nagte-text lang tayo
ipagpapalit ko itong paboritong kumot
basta sa yakap mo ako'y mababalot
matitiis mo ba ang aking paanyaya
o nais mo din kayang madama ang hiwaga
na dulot nitong ulang ayaw tumila
gaya ng isip kong sa iyo nangulila
ngunit sana huwag mo nang patagalin
ang paghihintay ko sa iyong pagdating
sandaling mo mang lulusubin ang buhos
ginaw papawiin sa yakap kong sasalubong
damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka
-basil valdez
(nung araw na maulan nga, pero wala naman talaga akong ka-text)
No comments:
Post a Comment