Saturday, November 19, 2005

pagtingin

maaari bang
panoorin lang kita
at hindi muna kausapin

nais lang kitang tingnan
nang walang alinlangan
habang ika'y tumatawa
nagmumukmok
nakikipagkwentuhan
walang ginagawa
o nagmamasid din

gusto ko sanang
huwag mo munang pansinin
kung ako'y nananahimik
pagmamasdan lang kita
na panatag ditong
nagpapaanod sa panonood

dahil hanap kong damhin
na nariyan ka lamang
na walang dapat ipag-alala

at kapag kasama kita
kahit hindi na kita tingnan
sapat na
basta kapiling na kita
sapat na


(para ito sa isang nakilala.. kaso hindi na pwede.. haaayy sadness..)