Wednesday, October 19, 2005

tuwing umuulan

tuwing umuulan
naaalala mo ako
dahil kaya may dala itong lungkot
kung kaya nais mong may makasama?

sa t'wing uulan
ika'y nagpaparamdam
at sinisimulan natin ang pag-uusap
tungkol sa mga bagay na lumipas

taglay ng pagbabago ng panahon
ang pareho nating pagpapaanod
sa mga damdaming inaalala
at ito'y ating kinasanayan

kaya't kung dumarating ang ulan
alam kong maaalala mo ako
di ko na lamang tiyak
kung mas una na kitang naiisip

marami na ang pagbuhos
na tayo ang magkaramay
nagpapalipas ng lumbay
nang-aaliw, nagpapaaliw

ito man ay lilipas din
darating ang tag-ulan
na maaaring ako'y maalala mo
ngunit di ka magpaparamdam
itong ambon ay magdadala ng mga patak
na galing sa mga mata

No comments: