Sunday, March 08, 2015

On Landian

'Di naman masamang lumandi
if with good intentions;
yung hindi ka lang basta pa-fall,
tapos wala ka dun para sumalo
sakaling mahulog nga sya

Ayos lang na makipaglandian
if you’re also guarding the other person’s heart,
not just your own;
if you’re careful not to lead the other on
to uncertain zones

Minsan kailangan talaga na may landi
kung sinasadya na maging close,
na magkagaanan ng loob,
dahil like mo sya (nang may malisya);
at tinatantya mo din kung may mutual likeness

May pagkakataong okay din yung landian
na hanggang landian lang;
kung pareho n’yong alam na ganun lang yun,
na bawal seryosohin yung kilig factors

Pero hindi dapat basta-basta manglandi
kung hindi ka naman sure
kung ang tugon nya ay purong pagtitiwala
(dahil gullible sya)
o baka sumasakay lang sa mga hirit mo

Ingat ingat din sa paglandi,
hindi kasi birong paglaruan ang puso;
posible kang maka-break ng heart
o sarili mong puso ang mawasak


——
I never felt alone until i met you
I’m alright on my own, then I met you
And I'd know what to do if i just knew what's coming
-Deep Inside of You, Third Eye Blind


08 Mar ’15; 20:05

Seattle’s Best, Fairview Terraces